NovelRead
Open the NovelRead App to read more wonderful content

Kabanata 254 Isang Balat

Sa memorya niya, uminom lang siya ng alak kapag dumalo siya sa mga social na pagtitipon, o kapag nagalit siya sa isang bagay. Kaya't ang pag-inom niya ngayon ay may kinalaman sa mga clue tungkol kay Hayden? Nagkaroon ba ng problema? Habang iniisip niya iyon, umubo siya ng marahan para ipahiwatig sa lalaki sa balkonahe na siya ay nakauwi na. Tulad ng inaasahan, narinig ng lalaki ang kanyang boses. Dahan dahan syang lumingon. "Nakauwi ka na." Mahinang sagot ni Yvonne na siya yun. "Bakit ka napainom?” "’Di mo ba gusto ang amoy?" Tanong sa kanya ni Henry. Umiling si Yvonne. "Hindi naman. Pero… okay ka lang ba?” maingat niyang tinanong sa kanya. Inilapag ni Henry ang baso ng alak sa kanyang kamay. "Ano ang pinagsasabi mo?" "Ang tinutukoy ko ay yung mood mo. Yung mood mo kasi parang hindi masyadong maganda. May mali ba sa mga clue tungkol sa’yong kapatid?” Isang matapang na hula ang ginawa ni Yvonne. Napuno si Henry ng kaunting sorpresa. Pero nawala ito kaagad sa paglitaw nito. "Bakit mo alam na hindi ako masaya dahil doon?" "May lakad ka kanina dahil dun. Kaya madaling hulaan ‘to." Nagkibit balikat si Yvonne. Tumawa si Henry. "Gumagaling ka na ah. Hindi ka kasing clueless tulad ng dati. " "Bakit mo palaging sinasabi na clueless ako?" Nagpout si Yvonne sa hindi nasisiyahan. Inubos ni Henry ang baso ng alkohol. "Fine, hindi ko na sasabihin. Pero tama ang hula mo. Talagang bad mood ako ngayon. Tinawagan ako ni Joe at sinabi sa akin na may ilang mga clue tungkol kay Hayden. Nang magmadali akong makarating doon, napagtanto kong peke ang mga clue. May isang taong sadyang naglabas ng mga clue na iyon." "Sinadya?" Bahagyang nagulat si Yvonne. Tumango si Henry. Ang kanyang mga mata ay tila medyo malamig. "Oo, sinadya ito, pero hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon." "Siguro gusto nilang siguraduhin kung hinahanap niyo pa rin ni Grandpa ang kapatid mo," sabi ni Yvonne nang walang malalim na pag-iisip. Ang sinabi niya ay nagbigay ng bagong ilaw sa buong pangyayari. Nanliit ang mga mata ni Henry at sinabi nang may malalim na boses, "Siguro tama ang sinabi mo!" Natigilan si Yvonne. “Talaga? Nanghuhula lang ako ah." "Kadalasan, ang key point sa isang misteryo ay laging nakasalalay sa mga kaswal na hula," sabi ni Henry. Inilabas ni Yvonne ang dila sa kahihiyan. "So compliment ba yan?" "Syempre." Tumango si Henry. "Pero pwede ko ring ibigay iyon sa iyo kung gusto mong purihin kita ng isang aksyon." "Sige nga anong aksyon?" Sinadya siyang tanungin ni Yvonne. Humakbang si Henry, kinurot ang kanyang baba, at hinalikan. "Pwede na ba ‘to?" Nanlaki ang mga mata ni Yvonne. "Madaya ka!" "Bakit ako madaya?" Napatingin sa kanya si Henry. Umiwas ng tingin si Yvonne. "Akala ko yung tinutukoy mo iba pang mga uri ng mga papuri. Hindi ko ito ineexpect." "Mas mabuti ba ‘to kaysa sa iba?" Ngumiti ng mahina si Henry. Hinimas ni Yvonne ang labi at nanatiling tahimik. Ayaw siyang asarin ni Henry hanggang sa tumakbo siya sa kahihiyan. Kaya ginamit niya ang hinlalaki niya para punasan ang labi niya at kumalas sa baba niya. Pagkatapos ay umatras siya sa banister sa balkonahe at sinabi na may isang kumplikadong ekspresyon ng mukha, "Sa palagay ko ang sinabi mo ngayon ay posible. Ang mga tao na naglabas ng mga pekeng clue na iyon ay sinusubukang malaman kung nagmamalasakit pa rin kami kay Hayden. " "Kung ganun ano namang ibig sabihin nito para sa kanila?" Naguguluhang tanong ni Yvonne. Itinaas ni Henry ang bote ng alkohol at nagtapon ng isa pang baso para sa kanyang sarili. "Naalala ko na sinabi ko na sa iyo ang tungkol dito dati. Si Hayden ay inagaw ng kalaban ng Lancasters. Isa pa, mayroong record ng plastic surgery ni Hayden mga sampung taon na ang nakalilipas. Kaya't hula namin ni Lolo na ang taong kumidnap kay Hayden ay gustong gawin siyang kasangkapan para makapaghiganti sa Lancasters." "Ah medyo gets ko na kung ano ang ibig mong sabihin ngayon." Hinawakan ni Yvonne ang kanyang baba. Nausisa si Henry. "Sabihin mo nga sa’kin." "Pag mali ang hula ko, huwag mo akong tawanan ah." Tumingin sa kanya si Yvonne. Tumango si Henry. "Oo ba." "Okay. Sasabihin ko na ngayon." Huminga si Yvonne at sinimulang sabihin sa kanya ang tungkol sa mga haka-haka niya. "Ang mga taong naglabas ng pekeng mga clue ay maaaring yung mga talagang kumidnap kay Hayden. Gusto nilang makita kung gaano mo pinahahalagahan si Hayden. Kung napagtanto nila na hindi ka pa rin sumusuko sa paghahanap kay Hayden, gagamitin nila si Hayden para kumilos at makapaghiganti sa Lancasters." Nang marinig iyon, si Henry ay lalong nagtanong. "Bakit nila nagawa ang lahat ng mga bagay na iyon?" "Simple lang. Hindi ba palaging ipinapakita sa TV? Paglaki ng anak ng isang kaaway ay mamanipulahin ng bata para makapaghiganti sa kaaway. Sa huli ay magiging masaya sila pagkatapos nilang makita ang kanilang mga kaaway na nakikipaglaban sa kanilang sarili nilang kadugo. Pagkatapos ay matagumpay silang makagaganti sa kanilang kaaway, at pakiramdam nila kuntento na sila, "sabi ni Yvonne. Bahagyang kumibot ang labi ni Henry. "Nakita mo ba ito sa TV?" "Oo. Mayroon bang problema dito?” Kumurap ng mata si Yvonne. Hinawakan ni Henry ang noo niya na para bang nilibang siya. "Hindi, walang problema dito. Tama ka. Siguro iyon talaga ang kanilang hangarin, at naisip ko rin. " "Oo totoo iyan. Kaya para maiwasan na mangyari iyon, kailangan mong hanapin ang iyong kapatid sa lalong madaling panahon." Humikab si Yvonne. Pagkatapos mag-shopping kasama si Lynette sa buong umaga, medyo pagod na pagod siya. "Alam ko." Bumuntong hininga si Henry. "Pero hindi madali kung gusto kong malaman kung sino siya at nasaan siya." “Bakit hindi madali ? Kailangan mo lamang matukoy ang bawat kalaban ng Lancasters at simulan ang pagsisiyasat sa kanila, "sabi ni Yvonne, na hindi naaprubahan sa kanya. Tumawa si Henry. "Yan nga ang pinakasimpleng paraan. Kailangan mong malaman na ang Lancasters ay maimpluwensyang at makapangyarihan, pero ang aming mga kaaway ay hindi rin basta basta. Kung sinisimulan namin ang pagsisiyasat sa bawat isa sa kanila, pwede silang maoffend. Paano kung makipagtulungan sila sa bawat isa at manindigan laban sa atin? Pwede ba tayong gumawa ng napakalaking dagok na iyan?” "Ahhhh..." Natigilan si Yvonne. Sa katunayan ay hindi niya naisip ang posibilidad na iyon. Para sa kanya, ang Lancasters ay ang pinakatanyag at makapangyarihang pamilya sa buong lungsod at walang sinumang pamilya ang maihahambing sa kanila. Kaya't unti-unti, nagsimula siyang mag-isip nang hindi namamalayan na ang Lancasters ay napakalakas na kaya nilang gawin ang literal. Pero ang sinabi niya ay nagpapaalala sa kanya. Alam niya ngayon na ang Lancasters ay hindi all-powerful. Kaya't ang paraan ng pagtingin niya sa Lancasters dati ay medyo mapagmataas. Sa pag-iisip niyon, kinagat ni Yvonne ang ibabang labi at humingi ng tawad sa kanya. "Naku sorry di ko naisip yun." "Hindi mo kasalanan yun. Hindi mo kailangang humingi ng tawad." Inilagay ni Henry ang isang kamay sa ulo ni Yvonne at tinapik ito ng mahina. Tumango si Yvonne. Nagtanong tuloy siya ng nagtataka, "Siya nga pala, sinabi mo na ang iyong kapatid ay nag-plastic surgery dati. Pwedeng kamukha ka niya o si Grandpa noong nakaraan. Pero tiyak na hindi niyo na siya kamukha ngayon pagkatapos ng plastic surgery. Paano mo siya makikilala? Hindi naman pwedeng lahat hihingan mo ng DNA test, tama ba?” Tumawa si Henry. "Tulad ng sinabi mo, ilang test ang kakailanganin ko dun? Pero huwag mag-alala, mayroon siyang tanda na balat sa kanyang katawan. Hangga't makakahanap ako ng taong may balat at may katulad na edad, kukunin ko sila para sa DNA test." "I see." Tumango si Yvonne matapos niyang maintindihan ito ngayon. Pero naramdaman niya na may mali sa susunod na segundo. "Pero pwede ring matanggal ang birthmark. Paano kung tatanggalin din nila ito?” "Huwag kang magalala. Hindi nila gagawin yun. Ang balat niya ay medyo espesyal, at malapit ito sa ugat ni Hayden sa kanyang leeg. Parang pale red na birthmark yun eh. Kaya imposibleng alisin ito sa pamamagitan ng operasyon, maliban kung may magtatangkang pumutol sa kanyang ugat. Pero kapag pinutol mo ang arterya, mawawalan siya ng sobrang dugo na mamamatay siya." Nagbigay ng paliwanag si Henry. "Ah kaya pala. May matinding dahilan pala sa likod nito. " Kinagat ni Yvonne ang kanyang mga kuko. Bigla syang napasigaw ng may naiisip siya. "Wait sinabi mo ba na pale red na birthmark malapit sa kanyang paligid ng kanyang leeg?" "Oo. Bakit?" Pinanliitan ng mata ni Henry. "Nakita mo na ba ito dati?"

© NovelRead, All rights reserved

Booksource Technology Limited.