Kabanata 990
Tuwang-tuwa si Walter nang sumulpot sa isip niya ang ideyang iyon—si Fane, ang Supreme Warrior! Wala pang nakakita sa mukha niya noon, at wala ring nakakaalam sa pangalan niya. Ngunit nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang Supreme Warrior, at masaksihan ang kanyang kakayahan at lumaban kasama niya.
Hindi niya inakala na mangyayari ito, ngunit napakalapit niya ngayon sa Supreme Warrior.
Kung totoong si Fane nga ang Supreme Warrior, madali niyang matatalo ang mga taong ito sa harap niya. Tsaka, hindi niya kakailanganing gamitin ang buong lakas niya—kasing dali lang ito ng paghinga para sa kanya.
Subalit, alam niya na ang Supreme Warrior ay isang tao na ayaw ng atensyon ng publiko. Ito marahil ang dahilan kung bakit inilihim niya ang kanyang pagkatao. Walang nakakaalam sa pangalan niya, kahit na malaki ang naging ambag niya sa bansa.
“Walter, bakit ka tulala diyan?”
Napansin ni Skyler na nakatitig si Walter kay Fane, at puno ng tuwa ang kanyang mga mata, kaya kinausap ni

Locked chapters
Download the NovelRead App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link