Kabanata 964
”S-Sir, pulubi lamang kami. Sobrang laki na ng naitulong mo sa amin. Di maganda kung magkakaroon ng mga pulubi sa lugar niyo diba?”
Naantig nang sobra ang matanda ngunit nagsalita siya nang nahihiya.
“Heh, di na kayo magiging pulubi kapag nagtrabaho kayo sa lugar ko. Higit pa rito, sakop na ang pagkain at kwarto, kaya hindi niyo na kailangang mag-alala pa dito!”
Tumawa si Fane at sumagot.
“S-Salamat, Doc!”
Naipon ang luha sa mga mata ni Brianna at malapit nang umapaw. Naglakad siya paharap at pinasalamatan ito nang taos-puso.
“Tara na. Bago yan, bumili muna tayo ng bago niyong damit. Pwede kayong maligo at magpahinga pag nakauwi na tayo. Bukas kayo magsisimula sa trabaho!
“At babayaran ko kayo ng 10 thousand bawat buwan. Ano sa tingin niyo?”
Sinabi ni Fane nang walang bahala habang nakangiti.
“Ginoo, so-sobra naman ito diba? Di mo kami kailangang bayaran ng ganito kalaki. Bigyan mo lang kami ng kahit magkano. Habang-buhay na kaming tatanaw ng utang na loob bas

Locked chapters
Download the NovelRead App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link