Kabanata 872
”Haha, ang tapang mo!” Tumawa si Neil. Pinag-isipan niya ang sitwasyon at muli siyang nagsalita. “Oo nga pala, hindi magiging madali na palabasin si Fane. Bakit naman siya maniniwala satin ng walang magandang dahilan?”
Tumango din si Ken. “Lahat tayo dito ay nagkaroon ng alitan kay Fane. Sa ngayon, siguradong galit satin yung lalaking yun at hindi natin siya basta na lang mayayaya na magtsaa, di ba?”
Napasimangot si Ivan noong marinig niya ang mga sinabi nila Ken at Neil. Talagang napakahirap nitong gawin. Matalinong tao si Fane, bakit naman siya maniniwala sa kanila ng walang magandang dahilan?
Pinag-isipan niya itong maigi at di nagtagal ay kumislap ang kanyang mga mata. “May naisip akong paraan, pero kailangan nating mag-ipon ng pera para dun!”
“Ano?!” Nagulat sila Ken at Neil noong narinig nila na kailangan nanaman nilang mag-ipon ng pera. Pinaghirapan nilang buuhin ang 6 billion na binayad nila sa mga assassin at magiging mas mahirap para sa kanila na makaipon ulit ng pera nga

Locked chapters
Download the NovelRead App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link