NovelRead
Open the NovelRead App to read more wonderful content

Kabanata 1009

"Put*ngina, pigilan mo siya!" Kaagad na pumangit ang mukha ng matanda. Pinatunog niya ang plauta at nanginig ang kanyang mga daliri. Whoosh! Si Fernando––na nasa ilalim ng kontrol ng matanda––ay naging isang residual shadow at dumiretso paakyat kay Fane na sumusugod pababa sa ere. Bang! Sa pagkakataong ito, inuntog ni Fane ang tiyan ni Fernando nang may nakakatakot na lakas. Para bang isang bala ng kanyon si Fernando na malakas na bumagsak sa lapag at gumawa ng isang malalim na uka rito. "H––Hindi maaari!" Sobrang natakot ang matandang lalaki hanggang sa kanyang sakong nang makita niyang wala man lang laban si Fernando at pinabagsak sa lapag ng isang gintong dragon––si Fane na nagpalit ng anyo. Si Fane, na ngayo'y isang gintong dragon, ay dumiretso sa matandang lalaki. Mabilis na pumadyak sa lapag ang matanda at kaagad na tumalon sa ere. Gusto niyang makatakas sa gintong dragon. Bang! Sa kasamaang palad, lumitaw si Fane sa kanyang harapan bago siya makatakas.

Locked chapters

Download the NovelRead App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© NovelRead, All rights reserved

Booksource Technology Limited.